20
09 Apr 12 at 9 pm

maghihintaynalang:

UPian? Kalaban ba ito ng Vilmanian, Noranian, Sharonian, etc? 


HAHAHA. Putangena naman kasi. Sino ba kasi nagpauso niyang UPian na yan? Parang pinalaki ng mga Noraniang tiyahin. 

maghihintaynalang:

UPian? Kalaban ba ito ng Vilmanian, Noranian, Sharonian, etc? 


HAHAHA. Putangena naman kasi. Sino ba kasi nagpauso niyang UPian na yan? Parang pinalaki ng mga Noraniang tiyahin. 

Noong umalis ako sa UP hindi pa mahabang panahon ang nakakalipas, mahabang diskusyones na kung anong tag ang dapat nga bang gagamitin ng mga estudyante. Nagpost ako tungkol sa bagay na ito dati pa. At dahil eleksyon nanaman ngayon eh nabubuhay nanaman ang ganitong mga debate sa pagitan ng mga partido pulitikal sa loob ng pamantasan. 

Iskolar ng Bayan

Iskolar ka ng bayan dahil ang mamamayan ang nagpapaaral sa iyo. Iyon ang pinakabatayang pagkakainitindi ko sa katagang ito. Pinapaaral ka ng mamamayan dahil sinasagot ng kaban ng bayan ang malaking porsyento ng iyong matrikula. Dahil sa katotohanang ito, inaasahan na dapat ay mag aral ka ng mabuti dahil may pananagutan ka sa mga mamamayang nagpapaaral sa iyo. Hindi mo dapat sayangin ang buwis dahil ayaw ng mga pulitiko natin na naaagawan sila ng pera. 

Panahon pa ni Pangulong Marcos, Iskolar ng Bayan na ang termino sa mga mag aaral sa mga pampublikong pamantasan sa bansa. Bago pa mag First Quarter Storm, hanggang sa Occupy Mendiola, Iskolar ng Bayan ang nasa unahan ng mga panawagan para baguhin ang sistema ng bansa.

Iskolar Para Sa Bayan?

Noong panahon ng isang Tsanselor sa UPLB, inilunsad ang kampanyang ito. Naglalayon ito na ipaalala sa mga mag aaral ng pamantasan na ang magaaral ay dapat ialay ang kanyang sarili sa bayan. Isa siyang iskolar na naglilingkod para sa bayan. 

Oh ngayon?

Nakakatawa lang na halos pagtalunan pa ng mga kandidato sa eleksyon ng konseho ang mga terminong ito. Parang yung nangyari noong 2008 ata o 2009 kung saan pinagtalunan naman nila ang kahulugan ng activism. Nakakainis isipin na pinagaaksayahan pa ng oras ang mga ganitong bagay kesa ibang mas mahalagang usapin tulad ng representasyon at pagprotekta sa mga organisasyon ng mga mag aaral. Tunay na sumasalamin lang sa uri ng pulitika na meron sa bansa natin sa pambansang antas.

Ang iskolar ng bayan ay pinapaaral ng bayan. Wala tayong dapat pagtalunan dito. Kung sasabihin natin na hindi na tayo dapat maging iskolar ng bayan, para na rin nating hinikayat ang pamahalaan na tuluyan na ngang alisan tayo ng kakarampot na subsidiya. Bilang mga mag aaral na pinapaaral ng mamamayan, responsibilidad natin na maglingkod sa kanila sa anumang antas na ating makakaya. 

Karapatan natin ang dekalidad at abot-kayang edukasyon kaya dapat lahat sana tayo ay Iskolar ng Bayan. At dahil lahat tayo ay may karapatang magaral, lahat tayo ay may responsibilidad na paglingkuran ang sambayanan. Iskolar din tayo para sa bayan. 

Iskolar ng bayan, para sa bayan. Wala nang dapat pang pagtalunan dito. Karapatan natin ang edukasyon sa lahat ng antas, at katungkulan din natin ang paglingkuran ang sambayanan. Kung kahit isa sa dalawang ito ay mawala sa plataporma ng iyong partido, alam mong hindi mo sila dapat iboto.

Mula sa masa, tungo sa masa.
Iskolar ng bayan, para sa bayan. 

Ngayong hapon lang nabalitaan ko ang nangyari kay Lordei Hina, isang mag aaral ng UP Diliman na sinaktan at ninakawan sa UP Diliman Vinzons Hall kahapon. Nakakalungkot.

Nagtatao sa opisina ng student council si Lordei ng biglang pasukin ang opisina ng ilang kalalakihan at nagtangka siyang pagnakawan. Nagtamo si Lordei ng hampas sa ulo. Nasa ICU siya ngayon ng Capitol Medical Center.

Hindi nakakagulat na mangyayari ulit ang ganitong mga bagay. Kahit saang UP campus, may nagaganap na kawalan ng seguridad. Marami ang nananakawan at nasasaktan. Kabilang na nga diyan si Given Grace Cebanico. Maaaring hindi siya sa loob ng UP campus nakatira, pero nakuha ang kanyang katawan sa loob ng lupang nasasakop na ng UP.

Ang budget para sa pagpapaigting ng seguridad ay nakabatay sa MOOE o iyong Maintenance and Other Operating Expenses na tinatawag. Ang MOOE, kasama ng Capital Outlay (o yung badyet sa pagpapagawa ng mga bagong gusali at dormitoryo) ay ibinibigay ng pamahalaan sa UP sa taunang budget appropriations nito. Noong nakaraang taon, ang UP ay nagkaroon ng 1.39 B na budget cut na nagdulot ng malaking pagbagsak sa badyet sa MOOE, at ang Capital Outlay ay 0.

Naging dahilan ito ng pagbaba ng bilang ng mga gwardya at pulis ng UP. Sa halip pa na magtalaga ng gwardya sa campus para maprotektahan ang mga magaaral, pinalitan ang mga ito ng mga CCTV camera na akala mo nama’y may magagawa sa oras mismo ng krimen.

Kung mas malaking badyet lang sana ang itinatalaga sa UP, hindi sana nakokompromiso ang seguridad sa campus nito. Hindi sana nanakawan si Lordei. Wala sana siya sa ospital ngayon.

Bukas, nakatakda ang RED SHIRT DAY sa UP Diliman bilang pagkundena sa naganap kay Lordei. Sa kasalukuyan, isang suspect pa lamang ang nahuhuli at at large pa ang mga kasama nito.

Badyet sa pampublikong pamantasan, dagdagan!

Hindi ko na masyadong maalala ang kabuuan ng preparasyon ko sa pagpasok sa UP noong April 200X. Matagal tagal na din kasi. Nung hayskul ako, sobrang yabang ko nung malaman kong pumasa ako sa UPCAT. Sa school kasi namin, dalawa lang kaming pumasa. Ganun pa kataas ang standards nun. LOLbiro. Ang pumasa lang eh yung valedictorian namin, at ako. Na 10th honor. At may ka-tie pa sa honor.

Hindi naman kasi ako matalino. Isang patunay yun na hindi kailangan maging matalino para makapasok sa UP. Kailangan lang, may basic na alam sa Reading Comprehension, Language Proficiency, Math, Science, at isa pang subtest na hindi ko maalala. Sapat na yun para mapasa ang pinakamadaling exam sa kasaysayan ng buhay mo sa UP.

Nung pumasok ako, magkasama kami sa bahay nung valedictorian kong batchmate. Engineering siya tapos ako naman eh Communication major. Bihira lang kami magkita at hindi naman din kasi talaga kami close nung hayskul. Nakakatawa nga eh. Parang hinatak lang talaga kami ng pangangailangan na magsama.

1st year pa lang ako pero nawili na agad ako sa buhay ko sa campus. Maaga akong nag org kahit na bawal pa sumali. Sumali ako sa mga rally laban sa tuition fee increase. Uminom ako. Gumala sa campus. Nagsulat ng tula. Sumali sa mga workshop. Umattend ng mga seminar tungkol sa masining na paggawa ng Origami (di ko ito malilimutan) at iba pa. Hindi ko ikinulong ang sarili ko sa kung paano ako pinalaki ng eskuwelahan ko nung hayskul. Natutuhan kong kwestiyunin ang lahat ng bagay, magtanong, magtaka, at matuto.

First summer ko nung sabihin sakin ni batchmate na hindi na niya kinaya ang kurso sa UP. Nagtamo ata siya ng ilang bagsak sa Eng’g sa UP at sabi niya eh hindi naman daw niya talaga gusto ang Eng’g. Doon niya sinabi sa akin na nagpaplano na siyang lumipat ng school. At lumipat nga siya sa isang kilalang school sa Maynila at doon nagsimula ng bagong karera sa kursong Accountancy. Hindi naman ako nagulat. Palagi na kasi siyang simangot at parang hirap nga sa Engineering. Natawa na lang din ako dahil sa loob loob ko, dalawa na nga lang tayong dito sa UP (ikaw pa ang Valedictorian) eh iiwan mo pa ako. Sure ka ba? Last year lang nakatapos na siya ng Accountancy, cum laude sa eskwela niya sa maynila at Accountant na ngayon. 

Marahas ang karanasan sa UP kung magreresist ka sa mga karanasan na ito. Ang tanging paraan para magsurvive sa UP ay maging bukas ang isipan. Hindi kailangan maging matalino at sobrang masipag. Tamang diskarte lang din at tiwala sa sarili. Wag kang mag isip magbayad sa prof kasi hindi sila nangangailangan ng pera, kaya nga sila sa UP nagturo eh. Gawin mo at tapusin mo ang pinapagawa nila, at makakaraos ka ng matiwasay.

Anyway, pagkatapos mo sa UP, hindi pa rin naman sure ang buhay mo. Maghahanap ka rin ng trabaho.

Isang kabanata lang ng buhay ang UP, pero kung dadaan ka sa kabanatang ito, siguruhin mong susulitin mo lahat ng pagkakataon para matuto, akademiko man o aral sa buhay.

 53
23 Dec 11 at 9 pm

Royal and Pontifical University of the Philippines?

I was shopping for gifts yesterday when I saw a shirt with this design. I laughed and laughed then I stopped to laugh because I realized that there’s something wrong in this world.

Mother of God.

Royal and Pontifical University of the Philippines?
I was shopping for gifts yesterday when I saw a shirt with this design. I laughed and laughed then I stopped to laugh because I realized that there’s something wrong in this world.
Mother of God.
 16
21 Dec 11 at 5 pm

topkicktees:

White!

For more details, check our Facebook page

STATE U MAD? Seems Legit.

topkicktees:

White!For more details, check our Facebook page. 

STATE U MAD? Seems Legit.
 13
02 Nov 11 at 3 pm

Writing About Film.

UP Film Institute Workshops 2011.

Writing About Film.
UP Film Institute Workshops 2011.
 7
02 Nov 11 at 10 am

My orgmate and good friend Jonallin Yang asked me if they can use my study for their ENG10 project which is to create a scientific poster. Scientific posters are made to create a brief presentation of a study in a research conference and other scientific gatherings. Posters have a separate category in scientific competitions.

My study looks so mayabang in this poster. Hehe. Btw, this is how I look through the sick and faulty Sangguniang Kabataang political system in the country.

Enjoy!

My orgmate and good friend Jonallin Yang asked me if they can use my study for their ENG10 project which is to create a scientific poster. Scientific posters are made to create a brief presentation of a study in a research conference and other scientific gatherings. Posters have a separate category in scientific competitions.
My study looks so mayabang in this poster. Hehe. Btw, this is how I look through the sick and faulty Sangguniang Kabataang political system in the country.
Enjoy!
 4
31 Oct 11 at 9 pm

Damnit. It’s a nightmare!!

Damnit. It’s a nightmare!!
 7
31 Oct 11 at 5 pm

The program where I used to create educational radio materials won this year’s KBP Golden Dove Award as the Best Radio S&T Program. I am so happy!!

Congrats to the current staff of Tinig ng Agrikultura sa Barangay, DZLB 1116 and BIOTECH-UP Los Baños, especially to you Ms. Lerma Moran, who hosts and supervises the whole program. Keep up the good work! Serve the People!

The program where I used to create educational radio materials won this year’s KBP Golden Dove Award as the Best Radio S&T Program. I am so happy!!
Congrats to the current staff of Tinig ng Agrikultura sa Barangay, DZLB 1116 and BIOTECH-UP Los Baños, especially to you Ms. Lerma Moran, who hosts and supervises the whole program. Keep up the good work! Serve the People!

Yung totoong enroll ha.

Naabutan ko pa sa UPLB na walang Systemone. Siguro mga 2007 na nagkaroon niyan, so nung OF ako, wala pang Systemone.

Bale ang mangyayare, pupunta ka lang ng College Secretary’s Office at ibibigay nila sa iyo ang Form 5 mo, with random courses na register. Bahala ka nang magdasal na sana kumpleto ang nakalagay sa Form 5 mo. 

Nung OF ako, pagkuha ko ng Form 5 ko, nanlaki ang mata ko na 9 units lang ang nakaenlist sa akin.

Sa bawat college ay may enlistment booths kung saan nakapost ang mga subject na may available slots pa. Pipila ka doon for the rest of your life.

Sa PhySci lobby nakapwesto ang enlistment booth ng IMSP, IC, InStat, ICS atbp. Nakakuha ako ng 6 units doon, salamat sa aking pasensya.

Yung isang subject ko, PREROG. Pinagcomedy show ako ni Sir GeeJay Lastimoza at pinaboto ang klase kung sino ang tatanggapin sa POSC1. Mapalad akong nakuha. Makalaon ang ilang taon, naging mabuting magkaibigan kami ni Sir Geejay, salamat sa prerog moment na iyon.

After kong magpaenlist at makumpleto ang units at siyempre, lumampas sa deadline (na palaging naeextend), nagbayad na ako at pumasok ng maayos sa klase.

Indeed, malaking convenience ang Systemone, pero nung mga unang taon parang hindi kami nagmamatch ng mga kagustuhan sa buhay. Gusto niya ng NASC na GE pero gusto ko ng MATH na GE. Labo mehn. Kaya prerog pa rin ako til the end of days.

Nakakamiss ang Prerog days. The thrill and the challenge.

 6
16 Sep 11 at 10 am

Hindi sa Araneta matatapos ang laban ng UP.

Suportahan ang panawagan laban sa 800M Budget Cut ng UP ngayong taon.

UP Kilos Na, Office of the Student Regent, KASAMA sa UP.

Hindi sa Araneta matatapos ang laban ng UP.
Suportahan ang panawagan laban sa 800M Budget Cut ng UP ngayong taon.
UP Kilos Na, Office of the Student Regent, KASAMA sa UP.