Namiss lang kita. Kahit isang araw pa lang tayong di nag uusap.
Namiss lang kita. Kahit isang araw pa lang tayong di nag uusap.
Sinalubong natin ang Hunyo ng kung paano natin salubungin ang mga nakaraang pagsubok sa ating buhay: magkasama.
Sa gitna ng dalawang bote ng beer at masarap na kwentuhan at pag alala sa isang taong nakaraan, ginunita natin ang ika-limang buwan natin bilang magkarelasyon. Nakakabilib na matapos ang isang taon nating magkakilala, umabot pa tayo ng ganito. Sobrang kahanga hanga ang tiyaga natin sa isa’t isa.
Sadyang mapagsubok ang Hunyo at nararapat lang ang ginawa nating pagsalubong na magkasama. Nasasabik ako sa mga kasunod na araw at natatakot din. Pero pag alam kong nariyan ka, nakakalma ako. Masakit pero banayad. Mahirap pero masarap. Parang sakit na tinapatan ng pain killer. Lumalaban pero may panlaban.
Nagtatapos na ang bakasyon. Tumutugtog sa isip ko angĀ So Long Sweet Summer ng paborito mong banda. So long man sa matamis na tag init na ito, alam kong hindi ito ang huli. At manatili sana tayong sabik sa susunod na tag init, at sa mga susunod pa.
Happy Anniversary sa amin.
Ganito kami magcelebrate ni D. Ang ipinagdiriwang namin ay yung unang araw na nagkakilala kami, which is April 25, 2011. Sobrang masayang masaya ako ngayong araw at maraming mga pangyayari ang naganap.
Kanina nga lang muntik kami mamatay matapos lumanding ang batong kasinlaki ng 1/4 ng hollow block sa sinasakyan naming tren. Nasa dulong car pa naman kami at talagang sitting duck sa mga bumabato. Agad kaming nagtago sa loob ng compartment room para di tamaan.
Pero nevertheless, enjoy na enjoy talaga ako ngayong araw. Pictures soon!
Just a girl, taking special shots.
Tingnan mo nga din naman kung gaano magbiro ang tadhana.
Sa kabilang istasyon ka ng tren naghihintay pero di ko alam bakit ko tinaon na dito bumaba, isang istasyon bago makarating sa kung saan ka naghihintay. Hindi ko inaasahan na hihintayin mo ako ngayon, at ayoko na lang sigurong umasa kaya bumaba na ako dito. Alam mo naman siguro na ikaw lang ang dahilan ng pagbaba ko sa istasyon na yan ng tren. Ilang nakakabagot na oras ang ginugol natin sa panonood ng treng dumadaan sa simple at abandonadong istasyon na yan.
Kaya siguro nung magdesisyon kang magpahinga at lumayo, alam kong hindi kita kayang tanggihan. Kaya din siguro hindi na muna ako bumaba sa istasyong yan dahil alam kong maiisip lang kita. Hahanapin lang kita. Paano kung wala ka?
Kaya sa masukal, mabato, at madilim na istasyon ako bumaba. Alam kong hindi ako bumababa dito, pero dito ako dinala ng tadhana. Isang iglap sa huling busina ng tren, naisip kong bumalik. Pero huli na ang lahat at umalis na ang tren, patungo sa istasyon kung saan ka naghihintay. Naghihintay ng wala.
Tingnan mo nga naman kung paano tayo paglaruan ng tadhana.
Minsan may mga tao na dumadating sa buhay natin na mayroong kakaibang force na dala. Yung force na kaya kang i-rattle, kaya kang questionin kung hanggang saan ang kaya mo para magbago. Yung force na kayang ibahin yung mga paniniwala mo sa buhay.
Sa taong ‘to lang ata ako natuto magsabi ng totoo. Ewankoba. Pinanganak akong tuso pero pinutol niya ang sungay ko.
Happy Monthsary sayo. Lagot ka na, tumatagal ng tumatagal to. Marami pang pagsubok ang kakaharapin.
