Nung pumunta kami ng Tacloban, sumakay kami ng RoRo na bumabyahe mula Sorsogon (Luzon) patungong Samar (Visayas). Pagdaong ng sinasakyan naming RoRo sa pantalan ng Allen, Samar ay nakita ko ang mga batang ito. Nasa gilid sila ng barko at nanghihingi ng baryang pambaon daw. 
Binato ko sila ng tatlong piso, at sinisid nila yung maigi. Kinuhanan ko sila ng litrato. Sabi ng mga kasama ko sa may barko, wag ko daw silang bigyan ng barya. Sabi ko, bakit hindi? Kailangan nila ang barya at siguro naman hindi malaking kabawasan sakin kung bibigyan ko sila. Isa pa, gusto ko silang makitang sumisid ng barya dahil hindi naman normal sa buhay ko na nakakakita ako ng mga batang sumisisid ng barya.
Kahit naman hindi ako magbigay, may ibang magbibigay sa kanila ng barya para sisirin. At sisisid at sisisid sila ng barya dahil kailangan nila ng pera.