Nakakainggit na mayroon kayong boses at karapatan na magluklok ng gusto ninyong mamuno sa inyong student council. Isa yan sa karapatan na wala na sa amin dahil wala na kami sa pamantasan. Pangalagaan ninyo ang karapatang ito. Bumoto kayo at siguruhin ninyo na ang maluklok ay ang karapat dapat. Iyong makakatulong sa org, sisiguruhing maririnig ang inyong boses at tindig sa mga isyu, at higit sa lahat, kayang magdaos ng maeenjoy naman at kaabang abang na February Fair. Nasa sa inyo ang desisyon. Masakit marinig ang 18% na Voter Turnout. Mas masakit siguro kung malalaman nating wala na tayong representasyon at council dahil pinabayaan natin.

Kung naiinis tayo na ang ilan sa mga nasa konseho ay wala namang ginagawa, iyon ay pagkakamali natin dahil ibinoto natin sila, o dahil hindi tayo bumoto.



  1. heckyspaghetti posted this