→ 16 Feb 12 at 2 am
Raising the Logo
Sa loob ng apat na taon, simula pa noong pinakaunang Febfair ng UP Gawad Kalinga Los Banos (Feb 2007), ako ang laging nag aakyat ng logo ng org sa itaas ng booth. Naging parang “ceremony” na ito tuwing Fair, at proud ako na ako ang laging nagkakabit ng logo sa itaas sa unang gabi ng fair.
Ngayong taon lang ito naputol dahil nawala na ako sa university. Sayang nga eh. Nalungkot talaga ako last Monday. Parang nahomesick ako na parang yung eLBi sa loob ko ay bumubulong na tumakas ako at umuwi sa eLBi, at hayaan ko na ang lahat ng ibang bagay.
Pero hindi eh. Masakit man sa akin, kailangan harapin ang realidad. Ito ka muna ngayon, naglalakad sa Katipunan. Pumapara ng jeep papuntang LRT. Sasakay at bababa ng tren. Araw araw na pagsisikap makaagapay sa buhay siyudad.
-
j-sson liked this
-
juanrepublic liked this
-
rijikulot liked this
-
akosiryuuzaki liked this
-
blsbs liked this
-
godonghae liked this
-
crannequin liked this
-
heckyspaghetti posted this

