Hindi ko abot ang mga bituwin at buwan
pagkat tanging dala ko lamang ay katotohanan
at kung maibabalot ko lamang ito
ay ibibigay ko sa iyo ng buong puso.
Lumilipas ang lahat ng bagay sa buhay na ito
ngunit palaging maiiwan sa akin ang alaala mo
Hindi ako romantiko
Hindi ko matitiyak ang pananatili ng lahat
hindi ko masasabing hindi ka iiyak
Pero sisikapin kong manatili
at muling baliin ang tadhanang baluktot
manatili lang sa piling mo
hangga’t tumitibok ang puso ko.
-
siopaoaybilog liked this
-
masakitsabangs reblogged this from heckyspaghetti
-
crannequin liked this
-
nakereru liked this
-
heckyspaghetti posted this
