Nakapanlulumo kapag nakikita ko ang schedule ko para sa March. Nasa Visayas sa unang dalawang linggo, tapos Bicol naman sa huling linggo. Deds na. Lilipas lang nanaman ang Marso ng hindi ko namamalayan.
Leyte-Cebu-Catanduanes-Albay.
Kung akala ng marami masaya magbyahe, oo masaya. Pero hindi masaya magtrabaho sa byahe. Limpak limpak na facepalm nanaman ang aabutin ko sa mga warde wardeng paliwanag ng mga kliyente, at mapipilitan nanaman akong makisama sa mga matatandang empleyadong hirap nang matuto.
Pero okay lang. Medyo desidido na akong magreresign sa bakasyon. Lumalaki ang pangangailangan ko para magbakasyon at maghanap ng trabahong bago. Isa pa, masyado nang hindi sustainable ang sitwasyon ko dito sa Maynila. Hindi na nagmamatch ang sweldo ko at gastusin.
So anong gagawin ko pagkatapos? Di ko alam. Nakaentrada na ang mga aplikasyon ko sa mga eskuwelahan. Kung may sumagot na edi ayos. Di naman ako nagmamadali.
Basta sa June, hello eLBi! At doon ako pinakanaeexcite. :D
-
sumasablay said:
Anong trabaho mo?
-
eat-thybrain liked this
-
crannequin liked this
-
ethanolic said:
Saya ng trabaho mo layas ka ng layas. huhuhuhu. Tapos may camera ka pa.
-
heckyspaghetti posted this
