May apat na house bill nanaman na nakahain sa kamara para gawing mandatory ang ROTC.
Ang ROTC o iyong Reserve Officers Training Corps ay parang CAT sa college. As in military training ito na rekisito para makatapos ka sa kolehiyo. Noong unang panahon, bago pa dumating ang mga hapon (1912), napakilala ang ROTC sa Pilipinas. Noong panahon na iyon, required ang lahat ng mag aaral na lalake na magROTC. So malamang lahat ng mga tatay natin, dumaan sa ROTC. Assuming na nagkolehiyo sila, o hindi nagbayad para maexempt.
Noong 2001, ginawang optional ang ROTC. Ito ay matapos ang pagkamatay ni Mark Welson Chua matapos niyang ilantad ang pagdispalko sa pera at badyet ng kanilang ROTC Corps. Magaaral si Chua ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Matapos ang insidenteng iyon, naging optional ang ROTC at ang ibang kolehiyo ay tuluyan nang inabolish ito at pinalitan ng National Service Training Program o NSTP kung saan magwawalis ka sa mga lansangan at magtuturo sa mga bata sa mahihirap na lugar.
Ilan sa mga kolehiyo na pinagpapatuloy ang ROTC units ay ang UP Diliman at Los Banos, PLM, De La Salle, UST, Mapua atbp. Karamihan sa ibang pamantasan ay naka NSTP na.
Ako mismo ay nakaranas mag ROTC. Sa kabila ng pagiging optional nito ay pinili ko ito at tinapos ang dalawang semestre noong aking first year sa UP. Swabe naman at di ako masyadong nahirapan. Mas marami pang babae kesa lalakeng kadete.
Sa kasalukuyan, apat na House Bill ang nagsasabi na muling gawing mandatory ang ROTC:
- HB 3968 ni Cong. Alcover
- HB 3980 ng ANAD party-list
- HB 737 ni Cong. Gullas
- HB 2488 ni Cong. Biazon
Sa lahat ng batas na ito, dalawa ang nagsasabi na dapat gawing mandatory ang ROTC sa lahat ng publiko at pribadong pamantasan, sa lahat ng mag aaral. Ito umano ay upang mapalakas ang nasyunalismo at pagka makabayan ng mga kabataan.
PWEH. Kung ako lang, hindi ko nakikita ang pagkamakabayan sa ROTC. Nakikita ko ang tunguhin ng ROTC. At naniniwala ako na ang ROTC ay ginawa upang maging handa ang bansa sa oras ng pananakop o kaguluhan. Kapag nakatapos ka kasi ng ROTC, reserbado ka nang sundalo ng AFP.
Ang nakikita ko, isinusulong ito dahil sa nagbabadyang banta sa ating bansa ng gulo dulot ng ating away sa Tsina. Kung nasyunalismo lang ang pag uusapan, malabo siguro na matutunan ng isang kabataan iyon sa ROTC.
Sa Singapore, lahat ng kalalakihan ay kinakailangang sumailalim sa training ng militar. Ito ay dahil maliit ang populasyon ng Singapore at kailangan nila ang regular na hukbong magtatanggol sa oras ng pangangailangan. Sa South Korea din, lahat ng kalalakihan ay kinakailangang magsilbi sa sandatahan sa loob ng dalawang taon. Ito ay dahil sa patuloy na digmaan sa pagitan nila at ng North Korea.
Kung may regular naman tayong hukbo (at certainly eh hindi maliit ang ating populasyon), ang natatangi ko lang nakikita eh dahil may banta sa ating bansa. Kung nasyunalismo at pagkamakabayan lang, alam na alam ng madami na matututunan mo ito sa ibang paraan.
At isa pa, magbabalik lang ulit tayo sa panahon kung saan bulag bulagan tayong susunod sa mga utos sa atin. At maghihintay pa ba tayo ng isang Welson Chua na maglalantad muli ng kurapsyon sa hanay ng ROTC?
-
training25go liked this
-
bewertungen230vb liked this
-
keenaguarnes liked this
-
really256gp liked this
-
yesitsdisney liked this
-
imnotsober reblogged this from heckyspaghetti and added:
Masaya rin naman mag-ROTC (kinuha ko ‘to, aksidenteng click lang...mouse noong nag-enroll...
-
nerdwithatwist liked this
-
eat-thybrain liked this
-
wronggrammargod liked this
-
juanrepublic said:
Di ba masasagasaan niyan ang NSTP Law? Kaya nga pinalitan ang ROTC eh.
-
heckyspaghetti posted this
