Ako ay mag isa
sa dagat ng mga batang
di matigil ang nguso
sa kakahigop ng kape
habang nagbabasa ng libro.
Paikot ikot ang aking mata
at baka mayroong makita
mga pangyayari sa paligid
ibabaon sa aking tula
Bakit ba sila bumibili ng kape
na halaga’y tatlo’t labinganim na doble
ng kadalasang binibili
na sintusinturong neskape.
At bumabalot sa akin ang pagiisa.
Lalo ko lang ramdam dahil walang pera.
Kung di dahil sa internet na karag sa kapihan
doon na lang sana sa parke umupo’t nanahan.
-
juanrepublic liked this
-
lostincosmos liked this
-
czemmugglebytes liked this
-
eat-thybrain liked this
-
nakereru liked this
-
heckyspaghetti posted this
